kanina maaga pa, umalis na kami ng bahay papunta ng Conception Marikina. binyag ng pamangkin ko kasi at 10am ang calltime.
onti lang kami, nalate yung iba, pero nagsimula na yung binyag kahit wala sila. tanda na din yung pari, puti na buhok. first time ko umattend ng binyag na ako ang ninong.
kasisimula pa lang, hinahanap yung tatay. sabi ba naman ng pari sakin, ako daw ba ang tatay. watda! mukha na ba kong tatay? eh wala pa nga kong gf tapos tatay na agad ako. sabay turo kay jesse, “siya yung tatay”.
dapat siguro nagshorts ako at tshirt para di ako pagkamalang tatay.
after nung seremonya. sindi kandila, buhos tubig, krus sa noo, suot ng sumbrero. naglecture yung pari. tinatanong kung wala pa bang kasunod na bibinyagan daw. at syempre ang stand ng catoliko sa birth control – wag mag pill, wag withdrawal, wag magcondom, calendar method lang daw ang pwede. syempre disrespectful kung makikipagdebate tayo kaya pakinggan na lang.
bakit nga ba bawal yung mga ganung method according sa doktrina? magkakasala ka ba pag ginawa mo yun? ang sigurado lang ako ay magkakasala ka kung di mo mapakain ang isang dosena mong anak dahil di ka gumagamit ng contraceptives.

(pigain ang baby… har har)
side trip:
nung pagtapos ng binyag, di pa nag-uuwian kasi hinihintay pa yung mga late. gutom na din ako kaya pumunta muna ko sa dunkin donuts para kumain. order ko yung mini na bunwich, isang donut at kape.
habang kumakain ako, may mama na pumasok tapos lumapit sakin. di ko maintindihan kung ano pinagsasabi nya. tapos may pinapakitang bente pesos. tapos sabi ko ano? ano? may narinig lang ako ospital, pasyente, dialysis. labo nya magsalita. mukha din syang goons sa 80s movie. binigyan ko ng bente pesos tapos pagkabigay ko, di pa nakuntento, hiningi pa yung donut ko. di ko binigay. masyado na syang makapal ang mukha, feeling ko masamang tao talaga yun. tapos lumabas agad sya.
pagtapos ko kumain, may nanghingi nanaman sa labas na mga bata. binigyan ko ng barya. feeling ko mas deserving pa bigyan yung mga bata kaysa dun sa isang mama. feeling ko mandurugas lang sya.