Bagong taon na. Sa mga gragraduate na ngayong 2011, may naisip na ba kayong college course? Syempre kailangan pag-isipang mabuti yan. Kumbaga dapat trip mo talaga yung kursong kukunin mo at hindi lang dahil uso ito o kaya pinilit ka ng nanay mong kumuha ng cosmetology.
Importante din na may amor ka sa pinili mong kurso para kahit na gaano kalupet ang mga prof dito ay pipilitin mong ipasa ang mga subjects mo. Pangit din magpalipat lipat ng kurso, sayang oras, may limit lang ang taon na pwede ka tumagal. Hindi ka pwede mag sampung taon sa kurso mong 2 years lang. Sisipain ka na nila.
May nakita akong bago at high-tech na course sa RTU (Rizal Technological University). Ngayon ko lang narinig to.
http://en.wikipedia.org/wiki/Rizal_Technological_University#College_of_Arts_.26_Sciences_.28CAS.29
Check out nyo yung mga kurso under College of arts and sciences (CAS).
Computer vulcanizing. Siguro para ito sa mga super high tech computers o kaya mga servers of the future. Mukhang hindi pa sila lumilipad sa future kasi may gulong pa eh. O baka panlanding lang nila yung gulong? Eh pano na lang kung na-flat ang mga gulong nila? Pano na ang internet? Pano ka na magfafacebook? Kailangan ng mga taong magagaling at trained ng 4 o 5 taon sa college para ma-vulcanize ang mga super high-tech servers. Magiging in demand ito sa year 2020 kaya ngayon pa lang maswerte na yung mag-aaral sa kursong to. Sya na ang magiging Bill Gates ng Pilipinas.
Ano kaya mga tinuturo sa Computer Vulcanizing? Na-curious ako.

hy im lyndzy im 4rth year student…ahm anu poh bah ung kwalipikasyon ng BSIT..??
..and anu poh ung mga tungkulin ni2..?
..at anu poh ung posibleng pwedeng maging trabaho..???
thank you poh..!! :]]]
ate, di ko alam mga requirements para sa BSIT eh. di ko din alam kung ano mga tinuturo dito. hula ko eh mga “computer stuff”. siguro may programming? Di ko din alam kung ano pagkakaiba nya sa Computer Science. Computer Science na lang ang kunin mo o kaya Computer Engineering kung mahilig ka sa computers. Madaming trabaho pwede mo pasukin sa IT/Software Industry.