bawal na daw ang boga o pvc cannon? hindi daw safe? eh last year ipinagmamalaki pa na napakasafe nito eh. mali lang sa paggamit kaya nagkakaroon ng aksidente.
last year bumili yung barkada ko sa cavite nito, halos 400 nagastos nya tapos hiniram namin tapos ginaya. nabuo naman namin saka pumuputok naman, halos 150 lang gastos namin.
pano ba gumawa nito? eto steps
mga ingredients:
- orange pvc pipe – 1m, 3″ diameter
- 2 x empty condensed milk can (yung kakasya sa 3″ pipe)
- pvc cap (yung screw type)
- electronic lighter
ang pinakamahirap na gawin dito ay yung trigger. kailangan mo ng lighter at kabitan mo ng wire mula dun sa nagspaspark. ito yung ipapasok natin sa kanyon para pansindi.

ganito itsura ng dulo ng wires para magspark sya ng maayos at hindi maghiwalay.

kailangan sunod ay yung pvc pipe. kapag mas maliit na diameter ang ginamit ay mas matinis ang tunog ng putok.

ikabit sa isang dulo yung cap. kailangan medyo initin yung dulo para maipasok mo yung cap.

lagyan ng butas ang dalawang lata. pwede bilog, pwede x, pwede square. sa isang lata, isang side lang yung may butas yung kabilang side wala nang takip. ilusot yung lata sa loob ng pipe. ilagay sa medyo bandang 1/3 nung pipe mula sa dulo nung cap. lagyan ng screw ang dalawang lata para hindi matanggal. pati yung kabitan ng cap lagyan din ng screw.

yung space mula sa cap hanggan sa unang lata ay yung kakargahan ng bala at combustion chamber. yung lata ay para lang hindi lumabas agad yung alcohol na gagamitin pangbala.

lagyan ng butas yung combustion chamber para mailusot yung wire galing sa lighter. ito ang magsisilbing ignitor ng ating kanyon.

ipasok ang wire at ipwesto ang trigger.

para hindi gumalaw ang lighter, lagyan ng glue. gumamit ng glue gun.

lagyan ng tape para lalong tumibay ang pagkakakabit ng trigger natin. siguraduhin na nag-iispark ang lighter pagkakabit bago i-fix ito.

lagyan ng mga electrical tape ang pinaglagyan ng screws para maganda tignan. ihanda na din ang sprayer para pang ispray ng denatured alcohol na gagamitin natin na pangbala sa ating kanyon.

para gamitin ito. gumamit ng denatured alcohol. ilagay sa sprayer. magspray ng 2-3 spray sa loob ng combustion chamber. dapay ay mist ang lalabas sa sprayer para madali mag-evaporate ang alcohol. ang fumes ng alcohol ang nagpapasabog ng kanyon. isara agad ang cap at alugin ng konti. click the trigger at boom!

mag-ingat sa paggamit nito. huwag itututok sa tao o hayop.

enjoy!
HAPPY NEW YEAR SA LAHAT!!!!!
happy new year!
yung ibang site na gumagawa ng kanyon ng kamote, hair spray ( spray net ) ang ginagamit. subukan nyo kaya dito sa boga. walang sabog pero pwede pa rin pang-basag ng bintana ng kapit-bahay nyo.
pare pa hingi copy permit
ty
astig ah. haha
isnt this thing illegal?
pano mo kakabit ung pelet gun??????????????
hindi pellet gun ginagamit ko. lighter lang. tapos dinidikit ko using glue stick
saan naka harap ang latang walang takip? aling lata ang masmalapit sa lighter wire?
ginawa ko nakaharap ung open side nya dun sa butas ng cannon.
bandang gitna siguro ok na yung lighter wire.
tol ok na b kung alcohol ung gamitin,,, ung isopropyl alcohol ahh ung pang kamay tlaga.. pu2tok kaya? ung skin kc parang hndi na2li ehh malakas pa ung utot ko kung sumabog
boy tubol,
hindi pupwede ang alkohol na isopropyl dahil para sa germs lang ito. kailangan ay denatured alcohol. pwede din gamitin yung utot, yun nga lang, dapat simula ngayon ay magipon ka na ng utot para tuloy tuloy ang putukan sa new year.
tol, naka bili na ako ng pipw 3 diameter.. tol, ano bang can ang ppwd gamitin? kasi, may nkta ako can na angel evap, kumasya sya pero hindi tlga sumisikip…
i mean. hindi talga masikip na masikip.. pero nag kasya..
tsaka yung pvc cap, pwd bang hindi screew type?
i screw mo na lang yung lata para di matanggal hehe.
kung hindi screw type, kahit ano siguro basta madali mo buksan at isara dahil dun mo irerefil yung alcohol bawat putok eh.
Mga kuya… Mejo nagugulohan ako sa may trigger na part… Paano po bang ikabit ung wire sa lighter? At ano pong klaseng wire un? Salamat po. Merry Christmas!
tol panu ikabit ung wire sa lighter? ang hirap kc hndi ko maicp kung paano
Mga kuya, pano ba mag kabit ng wire sa lighter? at anong klaseng wire ba un? Thanks po. Merry Christmas!
kabit ka lang ng wire dun sa parte na nag-iispark. kahit anong wire
Trinay ko na kuya. Naggrground lang nmn. Dapat po bang mag spark kuya?
At tsaka db po ba ung sa may nagsspark sa lighter may maliit na butas? don ko ba ikakabit kuya sa mismong butas or kahit ano basta nakaattach don?
Salamat kuya…
dapat may spark. hirap i-explain eh hehe. basta yung pang gawa nya ng spark ay nasa tuktok tapos yung ground yung isa.
Kuya salamat.. Nakagawa na ako ng Boga ko. pro ang prob ko nmn ngaun e ung denatured alcohol. Naghanap ako d2 wala silang Denatured d2 kasi ako sa Canada ang meron e ung Methyl Hydrate. Pwede kaya to kuya? Natatakot nmn akong subokan. Salamat kuya.
hirap po pala ng trigger nya gawin, na try ko na kya lang my problema sa trigger nya, minsan hindi nag iispark tas minsan naman nag iisparrk pero kaunti lang kaya ang resulta ee mahina ang pag sabog tska minsan hindi din pumuputok.. ano po gawin d2?
Kuya nakagawa na ako ng PVC Boga pro d ko pa trinay. Naghahanap ako ng denatured alcohol d2 kuya wala naman. Ang meron lang nmn d2 sa Canada e ung Methyl Hydrate. Bale prang katumbas daw ito ng Denatured. Pwede po ba kaya to kuya? Salamat ulit kuya.
hindi ko alam kung pwede yan eh. pero subukan mo gumamit ng lighter fluid. pwede yun. basta mabilis mag-vaporize.
try and try lang
o kaya bumili ka na lang nung lighter na pang sindi ng kalan, meron atang wire yun. check mo lang
oo nag bili din po ako ng lighter ng kalan. ganun dn po problma, na sunug po, ano po ba gawin ko para di masunug at ilang inches ang wire mula sa labas ng pipe papasok sa pipe?
tska ano tawag don sa pvc cap? wala kasing ganung cap samin ee yan kagaya jan na cap.. tska ano gagamitn pam butas ng trigger?
Kuya, trinay ko na ung Methyl Hydrate… Pro ang hina naman. hehe… Pro d po ba kaya konti lang spark? Gaano po ba kadami or katindi ng spark nya dapat?
Kuya, ung lighter fluid ba e ung butane? At ano pa ang mga substitute ng denatured alcohol kuya?
di ko alam bakit nasusunog hehe. baka may mali kang ginawa. maglitaw ka lang ng wire siguro 1 inch. wala naman akong sukat na sinunod basta may wire at may spark
pvc cap ata talaga tawag dun. di ko din alam, tanung tanong ka dun sa hardware store. basta matakpan mo lang naman.
pambutas sa pvc, ginamitan ko ng drill.
pwede din na mahina yung spark pero baka hindi kasi sya mabilis mag evaporate kaya onti lang yung gas na naiipon.
syempre kung onti lang yung bala onti lang din yung putok haha
magkaiba po yun. yung lighter fluid yung nasa red na plastik na lalagyan. yung butane eh gas na ata yun na de lata
Tinignan ko po d2 sa net ung lighter fluid kuya sabi nmn butane daw e ung ginagamit pra sa mga cigarette lighter tas ung naphtha naman po na fluid e pra sa mga wick lighter like zippo. so alin po sa dalwa?
at ano po ang mga pwedeng esubstitute sa denatured alcohol pag wala? hehe sensia na kuya dami kong tanong… anyway kuya, tama ka, ung methyl hydrate d agad nag eevap.
siguro nga hehe. di ko kasi alam yung chemical na nandun sa kulay pula na lalagyan ng lighter fluid eh. pero mas malakas yung lighter fluid nung sinubukan ko kaysa sa denatured alcohol.
Kuya salamat… nagpagwork ko rin ung boga ko. pro d lang malakas kasi d denatured alcohol gamit ko. HAppy new year kuya. Thanks ulit..
ingat lang sa pagpapaputok.
kuya, ano poh yung silbi ng isang screw malapit sa takip ng PVC pipe?
tapos kuya sa ignitor poh, yung dalawang wire dapat mag-kadikit?
tapos instead of using denatured alcohol, pwede po ba yung Paint Thinner??
denatured alcohol is also Ethyl Alcohol… so pwede bang ethyl alcohol with 70% nalang gamitin?
try mo, mabilis kasi mag-evaporate ang denatured. kailangan vapor yung iignite mo at hindi yung liquid form.
yung screw para dun sa lata sa loob. di dapat magkadikit yung wire kasi hindi mag-iispark. kailangan may gap.
wala na poh bang ibang pangalan yung Denatured Alcohol? ang foreign kasi e…
kuya, kailangan poh bang dalawa ang lata? isa lng po kasi yung d2 eh.
marami ka mabibiling denatured alcohol sa hardware store.
pwede isang lata lang na hatiin mo sa gitna. yung dulo lang naman ang kailangan sa lata eh para di agad lumabas yung alcohol vapor.
kuya wala akong nakita na denatured alcohol. pain thinner lng. sinubukan ko yung lighter fluid. naging flame trower sya.
ulitin ko nalng lahat.
tapos kuya d kasya yung lata ng condensada sa pipe na 3 diameter.
try ko ulit kuya tnx.
kuya taga san ka?
magpapagawa nalng yata ko sayo . hehehe LOL
taga muntinlupa ako eh. hehe
hanap hanap ka lang sa mga local hardware stores malapit sa inyo. saka hanap ka ng lata na shoot dun sa pipe.
boss bkt sa iba ang nag i ispark at d sa itaas? Ang gnamt q ay gas stov lightr .pat0lng naman pwd mg video ka
pano gawin ung ignitor nyA? gi namit ko ay ung gas range lighter, .. pano pa isparkin? sa ibaba ang nag iispark ee, tsk
naku wala na kong panahon gumawa ng video. basta itapat mo sa combustion chamber yung spark.
brad pwede kaya ung grill lighter ang ipasok ko sa combustion chamber..mismo ung apoy nun ang ggamitin ko pang sindi..safe kaya un?
pwede siguro yun. saka di naman kailangan ng apoy eh. spark lang dun lighter yung kailangan. yung pangkuryente.
tsk. pa video naman po kuya. at nang matutu kami . tska tanong ko lang kung pano gawin ung boga na may laruang baril ? pano i kabit ang trigger?
naku ate wala po ko gamit eh. saka di ko alam kung pano yung laruang baril. di po ako expert sa boga hahaha. nakita ko lang yun isang beses tapos sinubukan ko gawin many years ago.
pede po ba pahingi ng permission para copiyahin ang iyong gawain? tnx nakagawa na me ishshare ko nalang sa friends ko 2 txn sa info
sige lang bords
gumawa ako for curiosity’s sake. 2inches diameter blue pvc,
5inches yung combustion chamber
sa wala akong threaded cover, ginamit ko yung bote ng mineral yung neck part para
yung takip nya tapos doon ko i-ispray yung denatured alcohol. secured ko sya ng goma na tig-15pesos.
den may 2 vent holes na maliit lang para sa oxygen intake. halos instant mo magagamit wala ng kalog kalog pa. spray -> close cover -> fire. pucha sa lakas. nagreklamo kapitbahay ko.
akala ko di malakas yung 2inches diameter pipe. hahahaha
gamit kong sprayer bote nung german na pabango hahaha den yung sprayer ng alcohol na blue.
5 spray medium lakas
6 spray medyo malakas
7 spray kalas yung goma
salamat pre, bumalik ako sa pagkabata lol akala nila nasisiraan na ako ng bait. lolz talaga
fire in the hole! (find the hole daw!?) hehehe
subukan mo lighter fluid. mas malakas yun