December 19, 2009
December 16, 2009
resureccion : creative zen vision m
from the previous post
http://twistedk.wordpress.com/2009/10/25/project-zen-visionm-resurrection/
finally dumating na yung CF to ZIF adapter ko. halos 45 days din ang hinintay ko.
(cf to zif adapter from ebay)
sa una di ko mapagana, yun pala masyadong nakabaon yung ribbon cable at walang contact.
nung mapagana ko gamit yung mga CF na nandito bumili na ko ng 16Gig na CF card. wala kasing 32Gig dito sa cdrking.
after maisara at ma-reassemble ko, lagay na ng firmware.
(installing the firmware)
IT’S ALIVE!!!!
total cost is around 2k at hindi na rotating drive yung player ko kundi Flash based na! ayos!
krismas gift ko sa sarili ko = 1 repaired portable media player
December 9, 2009
si Gibo! iniispam ang email ko!
bwakanangpwet yan! bakit ba naman pati spam emails eh ginagamit na nitong mga kandidatong ito. wala naman ako natatandaang nagsubscribe ako para makakuha ng email galing sa kanya. I DONT WANT IT!!! ganyan na ba kababa ang pangangampanya nya na kalevel lang ng mga viagra at penis enlargement spam???
di kita iboboto. wag ka nang umasa. baka mamaya pag naging presidente ka puro SPAM ang ipadala mo sa email ng mga Pinoy.
at tinawag pa kong FELLOW GIBO VOLUNTEER!!!??? kelan naman ako naging volunteer nyan? langya naman oh! 2 beses na ko nakakakuha nitong basurang email na ganito at kahit imark ko sya as spam, yung kasunod hindi nagiging spam.
badtrip lang.
December 8, 2009
new eye candy!!!
kanina Taguig day kaya wala kami pasok sa trabaho. pero PERO PEROOO!!! may make-up class kami sa research. bale tinuruan kami maglagay ng lipstick, foundation at kung ano anong churva! bwiset! pero siryusli, pumunta kami sa isang company para mag tour, yun daw ang make up class namin para sa dalawang session.
pagtapos pumunta kami ni steve dun sa sm centerpoint. eto yung pinakagitnang sm sa buong mundo kaya centerpoint. hehe. may discount kasi sya kapag bibili ng samsung products kasi dun sya nagtratrabaho. kaya sinamahan nya ko para dun sa lcd monitor na bibilhin ko. salamat steve! babawi din ako.
wala yung 21 inch na model kaya nauwi sa 23 inch yung nabili kong lcd. ang masasabi ko lang ay BOOOOMMMM. anlake!!! sarap na manood ng muvies dito. kahit siguro porn este cartoons pala, masarap panoodin.
yun nga lang, problema ko, uuwi ba ko o magstay na lang ako sa school kasi may pasok pa ko ng 6pm. eh alas dos na. inisip ko aabot pa ko sa bahay ng 3 o 4 tapos aalis ako ng 5 para sakto 6 nasa skul na ko.
potek yan, 430 na ko dumating ng bahay tapos todo madali sa pagbibihis at hilamos. tapos nilabas ko na motor ko. langyang kamalasan yan, nagstuck pa yung rear brake ko. ayun, nabuwisit na ko, di na lang ako pumasok. di na din kasi ako aabot kung magcocommute pa ko.
at least malalasap ko muna etong bago kong monitor muwahahahaha!
December 7, 2009
Ano daw? at Spongebob
ano daw? nakita namin to nakadikit sa e-tric sa fort. di ko makuha kung ano ibig sabihin. iniisip ko na political ad sya pero di ko pa din ma-gets. anlabo ng gumawa, siguro malabo din yung pulitiko nito.
Pulitiko : gusto ko yung malaman ng tao na sa taguig ako lumaki
Advertiser: ah alam ko na. gawin nating “Anak ng taguig”
Pulitiko: at di lang yun, tatay din ako nila
Advertiser: dugtungan natin “Ama ng city”
Pulitiko: Fantastic!
Pagkatapos namin magdrummania ng aking bandmate. naabutan ko si spongebob sa labas. dati kasi paglabas ko umalis na sya kaya hindi ako nakapagpapicture sa kanya kaya sinamantala ko na ang pagkakataon ko ngayon.
anlaki pala ni spongebob sa personal.
November 22, 2009
Iron man? Fluid man na lang daw.
maaga ako gumising kanina. est ginising pala. as usual di ako magising gising sa alarm clock ko. nafilter na ata ng ulo ko yun tunog na yun.
5am sinundo ako ng barkada ko sa 711 at ako pinagdrive. pagdating namin ng Fort. takbuhan na. 10km. nagkapaltos paltos yung dalawa kong paa. di na rin kinaya ng mga hita ko. pinilit ko lang maabot ang finish line ng natakbo kahit minumura na ko ng mga hita ko. natapos din ng mga 1hour more or less.
after nun. kain breakfast sa jollibee kasama ang team MAXIO o baka maging Bit Runners na sa susunod. tapos drive pauwi.
dinaan ko na sa bahay namin. tapos si ann na ang nagmaneho pagbaba ko. nung makaalis na sya, narealize ko, naiwan ko ata yung cellphone ko sa kotse. inisip ko tawagan sya pero di ko memorize number nya eh. kaya hinabol ko sya ng bisikleta. daming paahon, traysikel, kotse, jeep ang nilampasan ko. minumura ulit ako ng hita ko. saka ko narealize na pwede ko pala tawagan yung phone ko para malaman nya na naiwan ko.
naabutan ko sya sa may bayan na ng munti. tapos nakuha ko na din phone ko. hirap din pabalik, mas worse yung mga paakyat. pero at least di na ko naghahabol.
pagkaligo ko, natulog muna ko. tapos gising ng tanghalian tapos naglampaso. tapos natulog uli. tapos nilagnat na ko. ginantihan na ko ng hita ko.
di pala ko pwede mag-iron man challenge. dapat daw uminom ako madaming liquids dahil nilalagnat ako.
dahil dun…. ako na muna si Liquid man!
November 21, 2009
November 20, 2009
Taglamig
nanlalamig nanaman ang panahon. wala na yung init dati. parang biglaan na lang naglaho. malamig na.
2 araw na akong sinisipon dahil sa lamig ng panahon. mahirap talaga pag nagbabago ng klima. di makasabay yung katawan kaya madami nagkakasakit. dapat magbago na din lifestyle ko.
- mag-t-shirt na palagi pag nasa bahay.
- sarado ang bintana pag matutulog para di malamigan ang ulo.
- wag na mag-elektrik fan. tipid ka na sa kuryente. di ka pa magkakasakit.
- kumain ng pruts! o prut sheyk!
sana maka-adjust na ko.
sana din bumalik na yung mainit na panahon tulad dati. tapos summer na. tapos beach na ule yehey!
November 18, 2009
frustration
bakeeet!!! baket wala akong makitang shooting star! napuyat na ko kagabi kahit kanina wala pa din ako makita.
feeling ko nagkakakita ako pero baka imagination ko lang din. bat ba kase anlabo ng mata ko.
November 16, 2009
leonids shooting stars
may meteor shower daw sa 17 at 18.
dapat siguro ay gumawa na ko ng listahan ng mga wish ko kasi madaming shooting star ito. pero totoo nga ba na magkakatotoo ang wish mo kapag may shooting star? baka kailangan ay bago magvaporize yung mga meteor fragments ay matapos ka na sa pagrecite ng wish mo. ano ba mechanics nito? kailangan ba before, during o after mo makita yun eh gumawa ka ng wish?
ok siguro kung ganun. siguro lahat ng tao nakatingala na lang buong gabi at sa umaga matutulog sila. ganun araw-araw hehe.











